I was there…

ny06.jpg

Kapag meron akong nakikitang very interesting na place sa movies na napapanood ko lagi kong sinasabi ” hay, kelan kaya ako makakapunta dyan.” with matching paghugot ng malalim na hinihinga. Minsan sinasabi ko ng malakas, “makakarating din ako dyan one day!” kahit na sabihing nananaginip pa ako ng gising…. Kapag inisip mo na nasa pinas ka at ang lugar na gusto mong puntahan ay nasa ibang bansa para bang dead end na….lalo pa kung wala kang pera…parang impossible.I’m stuck here ika nga!!!! kasi iisipin mo kelangan mo ng visa papunta dun at money. Pero dumadating sa buhay ng isang tao ang blessings at surprises. Sabi nga nila kapag kumakatok na sa pinto mo ay bukasloob mo itong tanggapin. Iyong mga munting tinig ko noon dininig ng Panginoon sa itinakda Niyang panahon. Hindi ko akalaing masisilayan ko din ang mga lugar na pinapangarap ko makita noon. Kaya nga hindi ko maiwasan ang mapaiyak at sabihin sa sarili ko na ” finally, nandito na rin ako! “ I decided na patuloy pa rin akong mangangarap dahil I know in my heart my dreams will come true hindi man sa mga oras na ito but I’m sure it will one day!